|
Ang tanggapan ng Makati PESO ay nakatakdang magsagawa ng kanilang in-house job fair sa mga nakatalang petsa para sa mga sumusunod na kumpanya at posisyon.
Sa August 23 – nakatakdang magsagawa ng kanilang initial screening at interview of applicants ang SM Supermarket, para sa mga sumusunod na posisyon: office assistants para sa kanilang accounting, administrative, HRD at treasury departments, receiving at dispatching unit clerks, cashiers, baggers at stock clerks.
Sa August 24 – ay ang Rustan’s supermarket na nangangailangan ng mga aplikante para sa mga posisyong tulad ng: cashier, sales associate, customer service assistant, butcher, repair and maintenance technician at counter checker.
Sa August 25 – bukas Makati PESO para sa mga aplikante sa KGB Philipines, isang call center at BPO company para sa mga nagnanais na mag-apply bilang customer service representatives.
Sa August 26 – ang Moldex Group of Companies ay may mga opening para sa mga sumusunod na posisyon: sales engineers, product specifier, technical staff, materials engineer, design engineer (sanitary at water supply systems at electrical system), process operator, die section foreman, pipes manager, senior cad architect, at architectural cad operator.
Para sa mga karagdagang impormasyon, maaaring makipag ugnayan sa Makati PESO na matatagpuan sa ikalimang palapag ng bagong Makati City Hall. O maaari rin namang tumawag sa telepono bilang 8905089 o 8701226.
|